Monday, July 26, 2010

Takaw-tingin

ALAM MONG may atraksiyon na agad sa sandaling magtama ang mga mata ninyo.

Maingat kang naglalakad noon sa Quiapo nang makita mo siya sa gitna ng aligagang kalikasan ng lugar. Pauwi ka na noong mga panahong iyon kaya hindi ka na nagmamadali, kaya naman naisipan mong aliwin ang sarili mo sa pamamagitan ng pagmamatyag sa lahat ng taong nasa paligid.

Abalang-abala ka sa pagmamasid sa mga tao nang magkasalubong kayo at nahuli niya ang atensiyon mo. Tiningnan mo siya ulit, at ngayon ay nahuli na ninyo ang tingin ng isa’t isa. Bagama’t hindi na magkanda-ugaga ang madla sa pagmamadali nila, lumutang ang maaliwalas at maamo niyang mukha.

Tinitigan mo nang mabuti ang pogi niyang mukha - ang kanyang malagong buhok, mga bilugan niyang mata, ang kanyang matangos na ilong at ang kanyang manipis na labi. Binigyan ka niya ng isang makahulugang ngiti, at lumutang ang kanyang mga dimples. At kinilig ka naman.

Sinuklian mo rin siya ng sa tingin mo’y pinakamaganda mong ngiti, at kinendeng mo ang paglalakad para mas lalo ka niyang mapansin. Matagal-tagal ding naka-plaster ang ngiti ninyo sa inyong mga mukha, at nang ‘saktong magtama na ang inyong mga landas, isang matamis na “hi” lang ang naibigay ninyo sa isa’t isa. Mas lalo ka namang kinilig.

Paglapas niya ay napabuntong-hininga ka; bibihira naman kasing mangyari ang mangitian ka ng ganoong ka-guwapong lalake, kaya kahit na nalagpasan ninyo na ang isa’t isa ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha mo.

Itutuloy mo na sana ang pagpapantasya mo nang may isang boses na gumising sa’yo.

“Miss, miss, yung gamit n’yo po, nahulog.”


++++++


This flash fiction continuously echoed through my mind for the past few months until I decided to lay it down on paper, thanks to the Varsitarian. I never even realized the sexual innuendo the title suggested, until Kuya Roman pointed it out, saying how it somehow followed among the lines of TF films such as Pila Balde, among others. I had to pick up my jaw from the floor -- I did not know how to respond to that. Anyway, I thought of changing the title to "Tingin ni Hudas," but apparently, this idea came a little too late. I like how my story turned out, but I feel that something's still lacking whenever I read it. And yes, you now have a license to openly berate the story, but chickens are not allowed. Bring it on. :D

Tuesday, July 20, 2010

Bienvenue!

Altophobic Syllogisms. Wut? Anyhoot, this should probably serve as my personal Montage, Malate, Heights, UP Literary Folio or what-have-you. This is where I would put things I pathetically attempt to pass off as literary pieces -- poems, short stories or whatever. So go ahead, bleed your eyes out and suffer. Seeing as how cobwebs continue to accumulate in my brain, this would probably also be an avenue to squeeze out what creative juices I have left (that is, if I have any at all. Otherwise, everything that is to be posted here would be viewed as pitiful delusions of a wannabe writer. But I digress). I remember hearing once (from Abdon Balde, Jr. I think, or probably a string of other writers) that the only way you could improve on your writing is to write every single day. I therefore resolve that maybe, just maybe, I should try writing something creative every once in a while because I seriously have not written anything at all for the past few months. And there you have it. I ramble. Hi, my name is Iska and I talk too much. :D